Invisible Money 2018 + My New Iponing Challenge for 2019


I almost forgot about this Money Challenge that I started New Year of 2018. I remembered it now lang when my Ate shared a new Money Challenge that we will try for this year... I will also share this later in this post. 

But before that! Let me share to you muna how my Invisible Money Challenge for 2018 went, and kung ano nga ba sya, san ko gagamitin yung money, etcetera. Naisip ko lang gawin nading blogpost since nakakuha ako ng good feeback sa money counting on my Instagram Stories.. saktong clickbait material! Big lol! 😂😂✌️


So triny ko yung "Invisible Money" na nag trend sa Youtube when 2018 started.

I decided to use this Ilahui organizer as my money box since may slots sha sa sides na parang alkansya. Syempre nag expect ako na mapupuno sya HAHA.

But wala pang halfway hahaha:

Dami lang fail sakin coz pag wala akong cash dyan na ako kumukuha ng pang shipping haha, or nung kailangan ko ng barya for BU bazaar, or pag may nangangaroling dyan ako bumubunot hahaha.


So anyway, I decided to count nadin today for fun lang!

The Concept Of Invisible Money:

1) Choose a denomination. So pwedeng Php 100, Php 20, Php 1000, ikaw bahala. Since gusto ko yun medyo gitna lang, and medyo bihira ko makuha, I chose Php 50.

2) So everytime makakakuha ako ng Php 50, as sukli or sa ATM lol, di ko sya pwedeng ispend (kaya naging "invisible" yung money hehehe witty din sila).

3) So meron akong pocket sa wallet ko kung san ko sinisiksik yung mga singkwenta.

4) Pag uwi ko sa bahay, shoot kaagad lahat ng Php 50 sa money box.

5) You do this for one whole year.

So anyway, 1 year has passed so it's time to count the moolah!

Nakakatawa yung naligaw na bente! Ang dami din coins pag nabibigatan nako sa wallet dyan ko nadin hinihulog hehehe (but not counted sa bilangan)

Looking good sa far! Ginather ko muna sila bago bilangin:

Nilabas ko na ang wipes and sanitizer coz OC hits hehehe:

Lol lang yung other currencies hehehe (not counted din)

Sharing your guesses sent through my IG Stories!




So finally, here's the total of my Invisible Money Challenge for 2018!!!!!

*Caching!*

Php 4,900!

Lol di pa umabot ng round trip pang Korea hehehehe!

Anyway, ang weird na hindi ko na alam paano gastusin yung Php 50 after a year na bawal gastusin! Char lang, hahaha! I decided to just place everything muna sa banko and isipin ko nalang na yan ang ginamit ko sa recent online shopping ko nanaman ng sneakers sa Zalora hahaha.

When will this addiction ever end! Haha huhu!


Not bad nadin, thinking hindi ko to ginawa before! Kesa walang ipon diba! 

And with that, level up na tayo for 2019! Here's the ipon challenge that my Ate proposed na gagawin namin! The 365-Day Ipontastic Challenge! Hahaha! Ang concept naman nito is EVERYDAY may ishoshoot ka sa money box. So dapat starting kahapon na Day 1 of 2019, piso muna. Today is Day 2 so Php 2... and so on and so forth till sa Day 365 ng 2019 Php 365 naman! Here's the chart for easy reference! Thank you for sharing this Ate, and to Ipontastic Tatay for this brilliant idea! Hehehe (follow natin for more money ideas).


What I like about this is may AMOUNT na na sure ka na makukuha which is Php 66,795 by end of the year! Bongga diba! The best part is wala man lang Php 500 kang ilalabas, coz Php 365 na ang biggest amount na ihuhulog mo! :) Pwedeng pwede na itong round trip ticket ko to New York (may sobra pa pang accommodation or ticket sa broadway), pang isang luxury bag, napaka daming fan meetings and Kpop merch, OR pang one Korea trip!!! 

Comment below if you're also participating in any of these iponing challenges this year! Good luck, and let's assess nalang uli kung successful or fail by end of 2019! 💚💯

###

PS: Minor edit. May twist kami ni Ate. We placed each other's money boxes sa room ng isa't isa and dun kami mag huhulog daily, para may accountability. Parang mahiya ka naman kung di ka mag hulog sa day nato! 😂 So kanwari di pa ako nag hulog sa box nya na nasa kwarto ko, sisitahin lang nya ako! Lol! "Hoy di ka pa nag hulog sa box ko!" Hahaha. Mas madali maningil diba pag sa kapatid na may utang lels!

PPS: Thanks for making iponing a fun thing with your replies! Hahaha! Report uli ako sa January 2020!!!


Comments

  1. Malaki na din ang 4,900 ha.. Itatry ko yang invisible money. Baka di ko mapanindigan yung 365 Ipontastic challenge eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yehey good luck! Let me know how it goes ... sa January 1, 2020!

      Delete
  2. Haha kaloka, una 3k hula ko tapos 4k, haha kinapos na 900 ��

    ReplyDelete
  3. I was just talking to my friend about your IG stories and sent her a Google Sheets file of the 365-day challenge. :))))

    ReplyDelete
  4. Thank you for sharing this Ana!!! Gusto ko yang 365-Day Challenge!

    Parang I am doing the invisible savings pala - but Php 5 and Php 10 lang ako - and sobrang tagal na nung piggy bank ko! Mga ilang years na! Balak ko kapag super emergency ko na lang siya buksan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo ok din yun may piggy bank! Parang ang sarap iretain yung invisible money (but Php 20 or coins nalang) along with the 365 hahahaha :D

      Delete
  5. Gagawin ko 'to, Ate Ana. Balikan kita sa 2020. 😊😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. Antayin ko report mo hehehehe! :D Good luck!!!

      Delete
  6. OMG it's been awhile since I visited and commented on your blog hahaha btw I also did this last year but only 20 pesos denomination, infair naman effective sya for me. I think I got 4k out of it. Bet ko yang lalagyanan mo, hirap kasi pag sa wallet din eh hahaha
    Happy New Year Ana!

    ReplyDelete
  7. Nice! Invisible Money challenge pala tawag dun haha I did that before with P50 din kasi nga bihira lang ako makakuha, I forgot na how much total ng naipon ko pero malaki rin! :)

    ReplyDelete
  8. Parang interesting 365 day ipon challenge. Seems doable kaysa sa 52 week challenge which I failed! Haha i tried the invisible money too last year - 50php also. But hindi ko na nabilang. Hahaha basta i know lang na meron ko nasave somewhat from it kasi naghuhulog ako every friday of the week sa bank na para di ko magastos. I think this year ill make a note to track magkano hulog ka so I know how much exactly I saved. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo! Mas nakaka encourage ulitin pag alam mo magkano results!! :)

      Delete
  9. Interesting itong bagong challenge. I've always struggled sa pag iipon, sana this year, magawa ko na. Thank you for the tips!

    ReplyDelete
  10. You never to fail us in sharing ur ideas miss ana. This one is really amazing. 3k lang hula ko hahaha never underestimate the power of ipon talaga hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha :D Pede na diba although ako was expecting 10k ish man lang hahaha :D

      Delete
  11. Really wanted to try this ipon challenge but I think Im gonna fail kc pag walang mahahanap na pera pambili ng ganto ganyan for sure mapipilitang gamitin��������. But will try though!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha IT ME! :D Try nalang uli this year ng walang excuses heheeh

      Delete
  12. Nice tips! I Would like to try both the invisible money and the new challenge! Sana magtagumpay ako sa challenge ko for myself��

    ReplyDelete
  13. Hi, ano brand nung sneakers? so cuuute

    ReplyDelete
  14. Thank you for sharing this Ms.Ana :) I'll do the invisible money challenge hihi :)

    ReplyDelete
  15. Matagal ko ng tinatry yung invisible money di lang ako nagtatagumpay. Pero kakaririn ko na talaga this 2019.

    ReplyDelete

Post a Comment

Your turn! Always excited to read your comments! :)

Popular Posts