Sunday, March 17, 2013

Cruisin'



White Blouse - Ukay find!
Khaki Pencil Skirt - Zara
Sequined Gold Bag - Mango
Nude Ankle Strap Heels - The Little Things She Needs





Eto yung hindi ko ineexpect na outdoors, but I thought since summer collection ang launch and nighttime ang event--thus the lady sailor / stewardess look! Hehe.


As posted in my event entry, na-late ako for this, and learned nalang na some of them had the chance to cruise around as part of the ganap! Sayang! Buti nalang masaya na ako with the photo ops with the panalo background, and also, mag paka-emo staring sa endless water ng nighttime (and the pale moonlight, char). Afraid lang din though!!!



My fun company (and outfit photogs!) for most of the post-event kainan and hangout: Carvey and Carlo! Sila din  nag alalay sakin  going down the dockside in my heels and pencil skirt, haha! Thanks guys!!!


E sinong shoshal! :D Hahaha hi Carvey!!!


Back story lang, so I decided to go out Friday night para macheck out nadin Manila Fame's exhibit in SMX. A dear buyer from 5 or so years ago Ayessa invited me and promised me two tickets, and nagulat ako kasi the last time I saw her sa mga Candy Fairs, kid pa sha talaga! I met her sa SMX lobby where she handed me my passes, and I think mas matangkad na sha sakin! Ayessa told me ako ang top-of-mind niyang iinvite sa event nila, and sobrang thankful ako dahil I need all the creative inspirations for my business. And, isama nadin yung push na naisip ako ng isang tao when it comes to designing. Thank you Ayessa!

I wasn't able to check out the exhibit na that night dahil late na pala (they closed mga 6), and late nadin ako for Regatta event. I asked sa SM guards if One Esplanade is near lang, and they're pointing me sa direction na parang easy naman tahakin, so gow lang ako. But every time may makita uli akong guard, ask padin ako if malapit lang ba, they'll tell me na "malayo pa maam, pero malapit mashado i-taxi"! Nireregret ko not listening to my tamadera-instinct na i-cab nalang kahit "malapit" lang sha, hanggang sa nasa madilim na akong madamong road leading to One Esplanade--and parang movie lang na hawak ko yung heels ko in one hand, and clenched yung isa in case may attackers (lol). May isang jogger na papalapit sakin, and biglang acting naman ako na tomboy vibes para lang hindi ako pagkadiskitahan! Hahahaha! Anyway, I reached the event, and it was a great night din naman. :) Thank you also to Niche for the dockside bonding!



Ang bilis lang ng night, and most of it was spent sa Friday traffic (or walking, haha). 
Had dinner in Glorietta before going home para masulit nalang rin pag labas ko. :p


 Sobrang tired, the next day I woke up and checked my phone and realized na 10am na! Nalimutan ko mag alarm! E may 11.30am dentist appointment ako sa Makati--e ang prep time ko talaga is 2 hours dapat, plus 1.5 hours byahe time to the clinic! Jumped from shower to bihisan and mukapan (nakuha pang mag kilay! lol!) and reached the dentist ng 15 minutes late lang! :D Had NamNam for lunch after less than 20 minutes of braces adjustment (my last daw na daw, sabi ni doc! :D).


Supposedly 1pm pa ang dentist ko, but sinet ko ng before lunch dahil may ineexpect akong event with my friends ng 2pm (kwento ko separate tong Dakasi ganap!). Anyway, nung mag alas dos na and wala pang nagtetext, I realized walang makakapunta sa kanila sa ganap!!!! Sobrang anxiety attack talaga for adjusting my sched pa in vain, pero ano pa nga ba magagawa ko! :p I enjoyed the (milk) tea party nalang--kung saan nanalo pa ako as fastest milk tea drinker! Hahahaha! :D Kinwento ko to SA LAHAT ng naencounter kong tao that day, lol. Nung kinwento ko kay Pax that night, siya lang ang bukod tanging kumwestion kung "Ano naman ang napanalunan mo!?". Me: "Ummm... stuffed toy! (lol) AND! Bragging rights!" Hahaha! 
Pax and I: *high fives*



Niche learned I was in Makati and fetched me sa Dakasi! We had a looong (supertrafficnaman) cab ride to MOA para antayin my final agenda that night which is yung Pyrolympics with Pax and Sarah. I asked him if interested sha sa Manila Fame, and he accompanied me to the design exhibit. Super saya! We ended the "cultured date" with kape kape sa Max Brenner MOA. Had to leave him dahil Pax texted me na mauna na sa Pyro at stuck sila sa traffic! Thank you Niche a! :)
 


Bawal mag picture sa Manila Fame, but do visit their FB page here! Favorite ko is the Van Gogh is Bipolar area! 


So I ran to the Pyrolympics area--SOBRANG DAMING TAO ANG DYAHE-- where Kookie met up with me sa entrance for my ticket. SOBRANG DAMING TAO ANG DYAHE. Hahaha. Pax and Sarah were both texting me, parehas sila stuck sa road na so in short ako lang natuloy sa kanila! :p Good thing andun si Kookie and Angela, plus their friends. I super enjoyed the show (moremore kwentos soon!) lalo yung China. Nung break na, I ran to the baggage area sa SMX to pick up my things and pull outs for Pax baka mag sara na and in short SOBRANG DAMING TAO ANG DYAHE (lol). Sarah and her family arrived few sec before Australia started, so I picked them up sa entrance uli, and then she was joking me na umiyak ako nung China (haha!). Happy nako. :)

Maraming dyahe again post show (which involved cars and crowds parin, haha), but nung nag settle na kami sa airconditioned resto and nakadiscover pa kami ng no-pila "secret CR", parang asa paradise na kami! Haha. Super gutom na sila Sarah being on the road ba naman ng tatlong oras, so I entertained Nikola by showing her the stuffed toys I won from the Dakasi event, and made her choose one. She got the dog. :) Naalala ko Sarah told Nikola na Tita Ana loves dogs nung asa car kami before and nahihiya sa Nikola sa akin (hehe). While walking and looking for a resto that night, Sarah was holding Nikola's hand and nauuna sila sa amin ni Papa D--and then may dumaan na cute puppy sa harapan namin. Nikola turned around to look at me and smiled. :)



Again, I ended the day in Pax's car--dinaanan nila ako ni Mich dahil nag give up na sila sa Pyro, and tumambay nalang sa nearby gas station and had dinner. SOOOBRANG traffic din our ride to Ayala--but at least nabigay ko na the clothes na need niya for ASAP today, plus sobrang habang kwentuhan din and laugh trip. :)

That night, Sarah texted me and thanked me for Nikola's new dog, and told me "she's sleeping beside it na. :)" Sabi ko nga sa Instagram post ko na sobrang daming reason talaga para mag reklamo ako at maburat and call it a bad day, pero hindi e. Masayang masaya na ako. :)


Happy Sunday, guys! :) Love you all! :)

6 comments:

  1. Gusto ko mag "ayay captain!" while reading this don't know why yun first nag pop-up sa ulo ko hahahaha!:)) Sayang yung cruise but bet ko nga din ang background for OTD ah!:) Ang fun! Also ang cute ni nikola with the doggy!^_^ sweet! hayy, beb! Miss ko na talaga mag events with you guys. Buti pa kayo dami ganap! hehe :DENJOY always!

    ReplyDelete
  2. Pa-request: everyday makeup routine! Haha Ang blooming mo :)

    ReplyDelete
  3. Sheez sobrang bet ko yung ganyang location ng outfitels, sis! Achieve na achieve! Gandaaa ♥ Grabe lang ang traffic kahapon! Muntik kami mag-Pyro ni papa Joed pero dito pa lang sa North sumuko na kami sa traffic. :| HAHA I MISS YOU SIS!!!! Andito pa pasalubong ko sayo from Ilocos hahaha mage-April na!! =))

    ReplyDelete
  4. Wooow ang ganda ng combination ng neutrals!! You look so elegant with your outfitey! Very classy! ♥♥♥

    http://misskimkong.tumblr.com/

    ReplyDelete
  5. Havey na havey ang outfitey! :)

    ReplyDelete
  6. love the whole look! keri lang madyahe, maganda ka naman! giving the other dog to nikola's was a sweeeett ending to this post ;)

    ReplyDelete

Your turn! Always excited to read your comments! :)