Wednesday, December 18, 2013

Disneyland




Black Blazer - Forever 21 | Mickey Mouse Shirt - H&M

Hi guys! The Gonzales family has finally reached the snowy (and sobrang lamig!) East Coast, and now living with my dad's brother's really beautiful house in Maryland for the most part of this US trip. 

But before this new (5-hour time diff!) adjustment kwentos, back in LA, the family went to Disneyland last Sunday to fulfill another childhood dream come true.

Kahit na mom and dad went na to Disney Tokyo during the 90s, and Ate and I went to Disneyland Hong Kong few years ago on separate dates and with different group of friends.... Excited kami for this! Parang, hindi kumpleto ang US trip namin without going to Disneyland, at lahat kami mga naging Disney babies!

Christmas nadin when we got there, but di kalamigan so perfect! Dami lang tao na, since holidays and Sunday pa nun! ;p

Dami ding babies! May sarili na silang parking lot sa park, haha:

Also, wasn't able to spot much Disney characters, which is sad! Sabi nga namin ni Cea, may mga artista complex na ata tong mga mascots na to di na naglalalakad mashado! ;p Lol.

Although ang sarap padin mag picture picture here and there! Kada stop, may sobrang cute na pwedeng kunan! 

Lotso Huggin' Bear-- ang kontrabida ng Toy Story!!! Hahaha! Gusto ko sha bilhin! ;p

And ang daming Star Wars merchandise, like this cool Stormtrooper head! Ate bought this alkansya!!! Win!

We started with steady na lines na rides, like these parang story trains of Snow White and Peter Pan! Nakakatawa kasi may bata iyak ng iyak sa line dahil scared sa tawa ng witch ni Snow White, but mas natakot pa ata ako sa 7 dwarves, hahaha! Freaky nila!;p Meanwhile, I'll always be a big Peter Pan fan, sha crush ko sa Disney characters! Lol. 

Special ride: Frozen!

Sawang sawa nako sa burgers and fries guys, hahaha! But no choice! Though the vegetarian burger in Disneyland tastes good a.

A family favorite: It's A Small World ride that features iba ibang countries and Disney characters habang naka sakay ka sa bangka. Super cute and Christmas na Christmas sa pailaw--saka ang tagal din namin spinotan yung Philippines doll! Kawawa loner lang sha, haha! :D

Akala ko anong scary attraction to, hehe, real black birds pala na mga nakatambay! ;p

Marami rin kaming namiss na rides, like this rocketship na lilipad daw sa moon for 30 minutes (joke) ... Ang haba ng lines kaya makakapili ka lang talaga ng ilan using the map they'll give sa entrance. And ang bilis lang talaga ng oras sa States, 5pm palang kelangan na uli namin mag dinner! Sulit padin though, just walking around the parks habang kumakain ng Mickey shaped ice cream and buttered popcorn with the family--happy nako!:)

Favorite ride of the sisterettes (habang humiwalay na muna ang parentals) was the Space Mountain! Dami nag recommend nito so mamiss out na lahat wag lang to! True enough, super saya!

Perfect timing after Space Mountain, naabutan namin ang parade! People really stop and seat kahit sa sahig just to catch their favorite Disney characters! Nakikaway talaga ako jan, hehe.

Our final ride before heading to the Castle to wait for the fireworks was at the Haunted Mansion! Nightmare Before Christmas! Cool nito sa loob, hirap lang mag photo but panalo!

Around 30 minutes before the fireworks at 9:30pm, umupo na kami few meters in front of the Disney Castle bilang a huge crowd was formed narin doon before us. Mahirap na mamiss out ito! The first time ako nag Disney in HK, di na namin naabutan ng barkada ko the fireworks dahil sa sched namin that time, so I was really looking forward to this moment. Sabi nila, imagine nalang grand fireworks display with the beautiful Disney Castle mala the start lang na pinakikita sa every Disney movie. Tapos ang tugtog Disney songs like When You Wish Upon A Star.

...before kayo mainggit with the descriptions, basag trip lang na nun 9:30 na, they announced na hindi nila mapupush the fireworks that night dahil sa bad weather--hala gusto ko mag wala! Sabi ko kung kid ako siguro umiyak nako, haha! Nagpa fake snow nalang sila, though I am still dreaming of my Disney-Castle-Fireworks-Cheesy Songs ...someday. :)

Btw, may nagpropose din that night in front of the castle, after the fake snow. Inisip ko nalang, koya had it all planned tapos di natuloy ang supposed paandar nya! ;p Ok, mas dyahe ata yun! Picture picture nalang with the fam.:)

Ended the long day of childhood memories and magic with a hot cup of cocoa. :) 


Read more of my USA 2013-2014 posts.

4 comments:

  1. Hahaha tawang tawa ako dun sa gusto mo magwala nun wala yung fireworks!!! Ako rin malamang pag ganun huhu!!! MISS YOU MISS YOU MISS YOU!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha alam na alam mo yan sis, cheesy fireworks ang magkukumpleto sana ng isang perfect day! ;D Wah! :D

      Delete
  2. I'm so so happy for you sis!! AHHH! Dream kong madala dyan ang father ko, bata palang ako! Still crossing my fingers na matupad yon! Happy holidays ate ana and to your family!! <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am sure that will happen sis! Praying for you!

      Delete

Your turn! Always excited to read your comments! :)